This is a continuation of our routing fundamentals, pag-uusapan natin kung papaano nagde-decide ang mga router at kung papaano nila pinipili kung alin at saan ang ‘best way’ para marating ang isang destination.
What is administrative distance?
Ang tinatawag nating administrative distance ay ang identifier or let say a default number kung saan tinitingnan ng mga router(base sa routing protocols) kung alin ang pipiliin niyang route para makarating sa isang network destination.
What does it mean?
Let me elaborate.
Kagaya nga ng mga napag-usapan natin sa mga naunang lessons, ang isang network ay pwedeng magkaroon ng iba’t ibang routing protocols. Lalo na sa mga malalaki at mga bigating company. Mixed yung setup at design kumbaga.
Since marami or iba’t iba ang routing protocols, pwedeng magkaroon ng iba’t ibang ways para ma-learn ng isang router ang path papunta sa isang network destination. At gaya nga ng nabanggit ko before, si router ay kelangan pumili ng “best path” para marating ang naturang destination.
![](https://ccnaphilippines.com/wp-content/uploads/2020/07/UNADJUSTEDNONRAW_thumb_363-1024x560.jpg)
Let say for example(for simplicity) sabihin natin na meron tayong router at isang network destination na 1.1.1.0/24. So kay router, let say sabihin natin na merong naka-configure na RIP, EIGRP and OSPF routing protocols(we will discuss this next) para marating ang network destination na 1.1.1.0/24. So ibig sabihin meron tayong “three possible ways” para marating si 1.1.1.0/24. Aling path ang gagamitin ni router?
Sino ang pipiliin niya?
Dito pumapasok ang ating kaibigan na si administrative distance. Bawat routing protocols ay may kanya-kanyang administrative distance na naka-define. Ibig sabihin, kapag meron sitwasyon na ganito (two or more possible paths), administrative distance ang mag-iinfluence kay router para piliin kung aling ang “best path” or “best route” papunta sa naturang destination. Ito ang mga define na administrative distance ng mga karaniwang routing protocols.
Here are the default administrative distance of routing protocols.
![](https://ccnaphilippines.com/wp-content/uploads/2020/07/UNADJUSTEDNONRAW_thumb_364.jpg)
Sa nakikita mo idol, base sa mga default AD, kung meron dalawa(3) na routing protocols ang possible path papunta sa isang network destination, mas pipiliin ni router ang may pinaka-mababang AD. Again, pinaka-mababang administrative distance.
Dun sa ating sample situation kanina, mas pipiliin ni router ang path via EIGRP papuntang 1.1.1.0/24 network kasi nga mas mababa ang kanyang AD kesa RIP at OSPF.
![](https://ccnaphilippines.com/wp-content/uploads/2020/07/Screen-Shot-2020-07-15-at-11.28.25-AM-1024x432.png)
Again by default, kung ang possible paths ay through RIP, EIGRP and OSPF, mas pipiliin ni router ang path using EIGRP kasi siya ang merong mas mababang AD(RIP = 120 | EIGRP = 90 | OSPF = 110).Β
Kung via static route at OSPF ang option, mas pipiliin ni router ang path via static route kasi ang AD niya is 1 compared sa OSPF na 110. Kuha mo idol?
Basta laging tandaan na if ever na may two or more paths(via different routing protocols) going to the same destination, pipiliin ni router ang may pinaka-mababang AD.
Now, paano kung same path or destination pa rin pero same routing protocols? Kumbaga pano kapag parehong RIP?
Ibig sabihin pareho sila ng AD right?
Alin ang pipiliin ni router?
Dito pumapasok ang tinatawag natin na metric.
What is a Metric?
Ok so ngayon alam na natin ang AD(administrative distance), let’s talk about metric. So sabi ko nga, ang AD ay ginagamit kapag meron two or more possible paths(via different routing protocols) papunta sa isang network destination.
Papaano naman kapag 2 or more possible paths pa rin pero same routing protocols?
Let say doon sa sample natin na network destination na 1.1.1.0/24 ang 2 possible path natin ay parehong RIP?
![](https://ccnaphilippines.com/wp-content/uploads/2020/07/UNADJUSTEDNONRAW_thumb_366.jpg)
Dito naman papasok si metric. Ang bawat routing protocols ay meron din kanya-kanyang ginagamit na metrics para ma-identify kung alin ang best path sa mga ganitong sitwasyon.
Kung alin ang best path sa mga options at kung alin ang malalagay sa kanyang routing table. Again the lower number is better.
For example, ang RIP ay gumagamit ng “hop counts” as metric then ang OSPF naman ay “cost” ang ginagamit. Let me give a simple example base sa situation natin kanina.
![](https://ccnaphilippines.com/wp-content/uploads/2020/07/UNADJUSTEDNONRAW_thumb_367-1024x478.jpg)
Sa ating sample situation sa taas, let say sabihin nga natin na RIP is configured on all routers. So papuntang network destination na 1.1.1.0/24 meron tayong two possible otpions from router 1.
Ang path from R1 > router 2 and then path from R1 > R3 > R4. Ngayon pano malalaman ni R1 kung alin ang best path sa mga ito? Thatβs where metric came in. Si RIP ay gumagamit ng “hop count” bilang kanyang metric.
Sa isang simpleng paliwanag, ang hop count ay bilang ng networks sa pagitan ng source at destination. Kung ilang hop or networks ka bago makarating sa destination. Nage-gets ba idol?
Sa ating given example, para marating si 1.1.1.0/24 meron tayo ng mga sumusunod:
R1 > R2 > R5 = 2 hops
R1 > R3 > R4 = 3 hops
Ibig sabihin, mas kakaunti ang βhopsβ sa R1 > R2 > R5 para marating ang network na 1.1.1.0/24. Ito ang pipiliin ni R1 at ililista or ipapasok sa kanyang routing table.
Let me give a simple analogy.
Let say nasa Cubao ka then papuntang Pasay Taft riding a train. Meron kang option to ride MRT and LRT. Alin ang pipiliin mo? Using hop counts, mas mabilis kang makakarating kung mag-MRT ka (8 hops away – santolan, ortigas, shaw, boni, guadalupe, buendia, ayala, magallanes then taft). Kung mag-LRT ka lagpas 10 hops or 10 stations ang need mo daanan bago makarating ng Taft.
Gets na mga chief?
Ang iba’t ibang routing protocols ay meron kanya-kanyang metrics. Ito ang metrics ng mga basic routing protocols na idi-discuss natin sa susunod.
Metrics of common routing protocols:
![](https://ccnaphilippines.com/wp-content/uploads/2020/07/UNADJUSTEDNONRAW_thumb_368.jpg)
On the following topics, isa-isa natin sisilipin kung papaano sila gumagana at ginagamit. Sa next lessons natin which are the routing protocols, isa isa natin sisilipin at hihimayin ang mga ito para mas maintindihan pa ng marami lalo ng mga beginners.
By this far, I’m sure naiintindihan mo na kung papaano nagde-decide at pinipili ni router ang ‘best path’ papunta sa isang destination. In most common cases, it’s always the AD and Metric ang pinaglalabanan — pero hindi lagi.
May ibang pang ‘factors’ na pwedeng i-consider si router in choosing the best route or the best path from a certain source going to a destination.
For example, meron tayong tinatawag na ‘longest prefix match’. Hindi ko na siya isinama dito dahil I’d like you to focus on the fundamentals. If you want to know about it, you can go ahead adn research or you can check the new CCNA Fundamentals Ebook kung saan kasama ito sa mga topics about routing fundamentals.
You can check the details of the CCNA Fundamentals Ebook here.
We’re now moving to another lesson.
![ccnaph](https://ccnaphilippines.com/wp-content/uploads/2020/07/ccna_beginners_black.png)
Chief Billy, what if same hop lng ang case? (due to different location) paano maco-compute ni routing protocol ang metrics?
Nice question idol redwing, in case like that na same protocol then equal ang metric, “load balancing” will occur. Meaning, both paths will be considered “best” and will be use by the routing protocols. Pero in real life scenario, bihira itong mangyari kasi bihira sa real world ang gumagamit ng mga default na configurations. Most of the time naka-customized ito base sa setup at need ng isang organization or company. I hope it helps. Thanks again!
Salamat idol for the answer! until next blog! more worse case scenario to come! (hahaha)
Aling path ang gagamitin ni router A? Sino ang pipiliin niya? Yung mahal ba niya pero hindi siya mahal or mahal siya pero hindi niya naman gusto? #hugot. Haha.
BOOM..
Idol question po, Baket tayo gumagamit ng different routing protocols sa isang network?
Sorry I mean, Baket gumagamit ng multiple routing protocols sa isang network?
Maraming reasons. Una mixed ang brand or vendor ng mga devices Ex. Meron mga protocol na proprietary sa isang vendor at meron naman na hindi. Or pwede rin na dhil yun ung kailangan talaga ng company. Iba iba, depende sa needs at goals ng company or org. π
Idol billy maraming salamt sa mga tutorial mo! Isa akong IT sa isang hospital dito sa quezon province and nagstastart plang ako magaral ng networking lalo kong naiintindihan ang mga pinagaaralan ko sd youtube dhil sayo! Mbuhay ka idol!
Welcome idol. God bless!
idol billy regarding po sa hop counts ng RIP..
sabi nyo po from Router 1 > Router 2 > 1.1.1.0/24 (1 hop away) medyo naguguluhan po ako ehh kasi pag galing ka sa router 1 hop ka from router 2 and then hop to 1.1.1.0/24 ba yun? so silbe 2 hops po.. hmmm.. paano mo po ma identify ang tamang hop count ?
You don’t include yourself in counting the hop. π
idol paano ba ang pag-compute ng cost and delay?
Ng EIGRP? Go to EIGRP section idol. π
Pwede pong baguhin yung administrative distance diba? pano po ito binabago?
Yes, bawat protocol iba iba. Inside the protocol itself. ;0
ano po yung code na tinatype para mabago yung default administrative distance