Last time mga idol, pinag-usapan natin ang basic and fundamentals of Cisco IOS. Ito ay ang mismong OS or software na nagpapatakbo sa mga karaniwang Cisco devices.
[wp_ad_camp_3]
Today, dadaanan naman natin ang basic parts and components of a Cisco device. Mahalaga na makita at maintindihan din natin ito para familiar na tayo sa mga karaniwang Cisco device na maka-kasalamuha at ico-configure natin sa ating Cisco career. Let’s go!
Basic parts and components of a Cisco router
Silipin natin ang basic parts and components of a cisco router para mas maging aware tayo sa mga device na makakasama natin sa ating CCNA career. Let’s see some sample para mas madagdagan pa ang ating kaalaman about CCNA.
Ang image na nakikita n’yo sa baba ay isang Cisco 3900 series ISR router. Depende sa laki at capacity, ito ay isa sa karaniwang ginagamit na EDGE router sa mga multi-branches company or organization. Ito rin ay isang modular Cisco router, ibig sabihin meron itong available slot para mag-dagdag ng mga modules or external modules para ma-enchance ang performance at capacity kung kinakailangan.
Let’s take a closer look sa isang model ng Cisco 3900 series para mas maging familiar tayo.
Ang image natin sa baba ay ang Cisco 3945 router taken from router-switch. Ito ay isa sa mga model sa Cisco 3900 series. Makikita n’yo rin sa sample image natin ang mga basic parts and components ng ating Cisco 3945 router.
At para mas maging aware pa tayo, ito ang ilan sa mga basic knowledge na makakadagdag sa ating kaalaman tungkol sa role and functions ng parts and components of a Cisco router.
SPE/EHWIC and other module
Ang mga ito ay kasama sa mga modules na binanggit natin kanina. Ito ang pinaka-engine at nagbibigay ng maayos na performance sa ating router or iba pang Cisco device. Kasama na dito ang additional capabilities at better performance.
Ethernet ports
Ang mga ethernet ports naman na available sa router ay ginagamit natin para mag-connect ng ibang mga devices. Let say papunta sa ating internal network or palabas sa internet via our ISP. Kasama rin ito sa mga kelangan natin i-configure initially.
Console and Auxillary port
Karaniwan natin itong ginagamit sa initial configuration ng isang router or any Cisco device. By default, IOS lang ang kasama at tumatakbo kay router kaya kailangan natin itong i-configure base sa ating pangangailangan. Gamit ang console cable, pwede tayong maka-connect directly sa router gamit ang ating laptop or PC para ma-iconfigure natin ito.
Compact Flash and USB ports
Ang compact flash ay ginagamit naman ito para sa additional storage ng ating Cisco device. Ang USB ports naman ay nagpro-provide ng secure token at port to additional external storage.
That’s the back panel and basic parts and components of a Cisco router specifically a 3945 model. Sa front panel naman natin makikita ang power supply(usually dual power supply) at mga light indicators. Please take note na maraming model at series ang mga Cisco routers. Ang example natin ay isa lamang sa mga karaniwang ginagamit. Depende sa size at needs ng company or organization, merong mga recommended routers si Cisco. For complete list of Cisco router models and capabilities, check here. That’s it pansit! 🙂
Basic parts and components of a Cisco switch
Ang sample image naman natin sa taas ay isang 3560 switch. Ito ay ang karaniwang ACCESS switch na ginagamit sa mga small to medium enterprise or organization. Gaya ng napag-aralan natin before sa network topology na recommended ni Cisco, ang mga access switches ang nasa access layer or mga switch na pinagkakabitan ng mga PC or other end devices. Sa isang small enterprise, dito karaniwang naka-connect ang mga PC, server, IP Phones at iba pa.
Para naman sa mga basic parts and components ng isang switch(Cisco 3560) sa ating sample , see the sample image below from Cisco.
Cisco 3560 back panel
Makikita n’yo sa ating sample image sa taas ang back panel ng isang Cisco 3650E switch. Meron itong dual power supply na hot swappable (can swap without turning off the switch), at fan (hot swappable din).
Sa front panel naman natin makikita ang bilang ng mga ports (kung saan natin ikino-connect ang mga end devices), mga lights at LED indicator kasama na rin ang management port or SFP module kung available. Ang sfp module/interface ay ginagamit para sa mga high speed na uplink ng ating access switch (example going to CORE switch).Gumagamit tayo ng Cisco TwinGig Adapter para ma-connvert 10 Gigabit Ethernet X2 Interface into Two Gigabit Ethernet SFP Interfaces. Tingnan ang sample image natin sa baba para sa karagdagang kaalaman.
Please take note na ang 3560E access switch ay isa lamang sa karaniwang Cisco access switches na ginagamit sa industry ngayon. Marami pang Cisco model ang nabibilang sa mga switches depende sa model at capabilities. Meron ding mga malalaki at mga modular switches na available na ginagamit ng mga large enterprises at malalaking company. Meron ding mga layer 3 switches na may capabilities na mag-handle ng layer 3 functions or routing. Depende sa size at kailangan ng isang company or organization, meron si Cisco na recommended na kanya-kanyang model. Para sa complete model at capabilities ng mga Cisco switches, please check here.
Alright! That’s it for now aspiring Pinoy CCNA. I hope kahit papaano ay may natutunan at naging valuable ang article na ito para sa inyo. Naniniwala ako na malaki ang maitutulong nito lalo na sa mga beginners. Ganun din sa mga mag-eenroll ng training or bootcamp na wala pa masyadong idea or knowledge sa Cisco. I remember nung first day ko sa CCNA bootcamp before, nagulat ako sa mga malalaking Cisco switches at routers. Haha! You can check my CCNA journey here.
By sharing and showing you this article, I hope may idea at kahit papano ay may kaunting knowledge na kayo bago mag-attend ng training. Paki-share na rin sa iba. 🙂 Hanggang sa susunod mga idol, salamat!
[wp_ad_camp_1]
Leave a Reply