On this section, pag-uusapan naman natin ang mga basic Cisco IOS command modes. Kumbaga, ito ang level ng mga commands na ginagamit natin in configuring Cisco routers and switches. Makakatulong ito para maintindihan natin ang pag-gamit at basic ng IOS command sa mga Cisco devices.
Gaya nga ng napag-aralan natin nung una, ang IOS ang nagsisilbing operating system ng mga Cisco devices. Pero hindi kagaya ng mga normal na pc or devices, we access the Cisco router and switches via cli.
CLI or command line interface na para tayong nasa command-prompt ng windows. We use commands and script to ‘talk’ or communicate with our Cisco devices. Kung gusto natin mag-configure ng router or switches, we use a terminal program para maka-connect tayo sa cli ng ating device. We already talked about this before right? I’m just refreshing it for you.
Gamit ang mga IOS commands, pwede natin ma-verify ang mga configurations sa Cisco device at s’yempre ang mga command din na ito ang ginagamit natin upang mag-configure ng Cisco router or switches.
User Exec Mode
Sa ating initial or unang login sa Cisco router or switch, tayo ay nasa tinatawag nating user exec mode. Ito ang pinaka-una at basic sa mga Cisco IOS command modes na meron ang mga karaniwang Cisco devices.
Ang greater than sign (>) or angle bracket after ng name or hostname ng ating Cisco device ay ang indikasyon na tayo ay nasa User EXEC mode gaya nito.

Ang hostname ng sample device natin ay Router at tayo ay nasa User EXEC mode nito kagaya ng nabanggit ko sa taas dahil nakikita natin ang greater than or angle bracket sign (>).
Sa User EXEC mode, limited lamang ang mga commands na pwede natin i-execute or i-run sa ating Cisco device. Sa level na ito karaniwang ginagawa ang basic troubleshooting and verification. Pwede tayong mag-type ng ?(help) sa User EXEC mode para makita natin ang mga available na command sa mode na ito(Router> ?).
At ito ang ilan sa mga command na pwede nating makita at gamitin sa User EXEC mode.

As you can see idol, that’s the only set of commands na pwede natin ma-execute in the user exec mode.
Super limited right?
In fact, wala tayong magagawa na configuration kapag nasa user exec mode tayo. They are just tools for basic troubleshooting or way para makapunta tayo sa next level of command which is our previleged exec mode.
Privileged Exec Mode
Ang sumunod sa ating Cisco IOS command modes ay ang Privileged EXEC mode. Ito ang next level of Cisco IOS command mode after ng user exec mode na nabanggit natin kanina.
Ang indication or tanda na tayo ay nasa Privileged EXEC mode ay ang pound sign or hashtag sign (#) after ng hostname ng ating Cisco device gaya ng nakikita n’yo.

Depende sa configuration or setting ng device, maaring deretso or nasa Privileged EXEC Mode na agad tayo pag-login natin sa ating Cisco device pero sa basic or default setting or configuration, kailangan muna nating dumaan sa User EXEC mode bago tayo maka-punta sa Privileged EXEC mode. At ang command na kailangan natin ay ang command na ‘enable‘.

Gaya ng inyong nakikita sa itaas, from User EXEC mode, nakarating tayo sa Privileged EXEC mode by typing or issuing the command ‘enable‘ at tamang password. Pwede kasi tayong maglagay or mag-setup ng password for our priveleged exec or yung tinatawag natin na ‘enable password. Ito ay para sa security at mabigyan lamang ng access ang mga user na nararapat maka-access sa Privileged EXEC mode.
Para maka-balik ka sa User EXEC mode galing sa Privileged Mode, we can type or run ‘disable‘ gaya nito.

Gaya ng User EXEC mode, limited din lang ang mga command na pwede nating magamit sa Privileged EXEC mode. Although mas marami siya compared sa unang Cisco IOS mode, ang mga ito ay mga basic at ginagamit lamang sa verification at basic troubleshooting.
Here are the common commands na pwede natin magamit sa privileged exec mode.

Hindi pa rin tayo makakagawa ng changes or makakapag-set ng configurations kapag tayo ay nasa Priveleged EXEC mode lang.
Kagaya nang image natin sa taas, you can type or issue ?(help) (example: Router# ?) again para makita n’yo ang mga command na pwede natin gamitin sa Privileged EXEC mode.
Global Configuration Mode
Ang sumunod sa ating Cisco IOS command modes ay ang Global Configuration Mode. Sa mode na ito ginagawa at ini-rurun ang mga configurations na gusto natin i-set sa ating mga Cisco devices. Ang changes or configuration na naka-set sa global configuration mode ay nakaka-apekto sa buong operation ng device. Kaya rin ito tinawag na ‘global‘.
Ito na rin ang matatawag natin na ‘admin level’ dahil maaari na tayong mag-configure nang devices natin once we reached this mode.
Galing sa Privileged EXEC mode, maari tayong maka-punta sa Global Configuration Mode sa pamamagitan ng pag-issue or pag-run ng command na ‘configure terminal‘ or ‘conf t’ for shortcut.

Kagaya ng nakikita mo sa taas, galing sa Privileged EXEC Mode, nakarating ako sa Global Configuration Mode by typing ‘configure terminal‘. Ang indikasyon na tayo ay nasa Global Configuration Mode ay ang sign na ‘(config)#‘.
So from user exec mode to privileged exec up to global configuration mode, ito ang kailangan natin gawin:

As you can see, I went from user exec to privileged exec mode up to the global configuration. Given na Walang password ang mga ito(for the sake of example).
Sa global configuration mode maaari na natin baguhin ang mga settings at ‘running configurations‘ ng router or any Cisco device. Mag-set ng IP address, hostname, routing protocol at lahat ng global configurations na kailangan sa ating Cisco device. At s’yempre kailangan natin itong i-save para ma-save ito sa start-up configuration ng ating device. Pag-uusapan natin ito sa susunod.
Para makabalik naman tayo sa Priviledge EXEC mode, pwede natin i-run or i-type ang ‘end’ or ‘exit’ (Router(config)#exit or Router(config)#end).

Pwede rin natin i-type or i-run ang ?(help) (example: Router(config)# ?) para makita rin natin ang mga available command na pwede natin gamitin sa global configuration mode.

Sa global configuration mode, maari na natin mapasok or ma-configure ang iba’t ibang sub-configuration modes. Maaari natin pasukin ang mga sub-configurations gaya ng routing protocols(RIP,EIGRP,OSPF and BGP), interface configurations and then sub-interface configurations, mga access-lists, QOS settings, route-map at marami pang mga sub-configurations.
Ang 3 Cisco IOS command modes na nabanggit natin ay ang pinaka-basic at karaniwang ginagamit na IOS command modes. Mahalaga na maintindihan at maunawaan muna natin ito bago tayo pumunta sa mga advance topics.
Please take note na ang ang mga IOS command ay may kanya-kanyang IOS command modes na compatibility. Ibig sabihin, ang mga command na pwedeng i-run sa User EXEC mode ay maaring hindi compatible or gumana sa Privileged EXEC mode at lalo na sa Global Configuration Mode at vice versa.
Laging tandaan na pwedeng tayong gumamit ng help(?) sa bawat level or IOS command modes para makita natin ang mga available na command na pwede nating magamit.
Wheew!
That’s a lot idol.
If you grasp and understand these fundamentals of Cisco IOS, malayo na ang mararating mo. Kasi nandito talaga sa CLI ang “bakbakan”. Ang isang mahusay na network engineer, marunong at naiintindihan kung paano ito gamitin.
I hope by this far, you now have the basic understanding of what are the “modes” in the Cisco cli and how to use them. In the future lessons kapag nag-configure na tayo ng mga devices at protocols, dun natin sila talagang magagamit.
For now, let this lesson sink in para mapatibay mo ang iyong pundasyon. We’re moving now into another lesson.
2 Thumps Up
Para saan po ang ROMMON?
WHen something goes wrong, devices boots to ROMMON.