On this lesson, pag-aaralan at pag-uusapan naman natin ang mga basic at foundation ng Cisco switch. I’m confident by the end of this chapter, you will have more knowledge and clear understanding how a Cisco switch works.
Let’s go!
We’ve already talked and discussed how switch works in the previous lesson(network devices) pero to help you refresh and understand it better, kinopya ko ulit yung lesson nay un on this chapter para mas maging malinaw at malalim ang pagkakakilala natin sa switch.
Here it goes.

Kagaya ng hubs, ang mga switches ay ginagamit din upang mag-connect ng iba’t ibang end devices. Karaniwan itong ginagamit upang ma-distribute ang local area connection sa mga PC, printers, copiers, ip phones and other devices. Ngayon meron na ring mga advance switches gaya ng mga layer 3 switches, pag-uusapan natin yan in the future.
Pero unlike hubs, ang mga swithces ay nag-ooperate sa layer 2 ng OSI model. Ibig sabihin, may kakayahan ang mga switches na mag-analyze ng traffic at gumawa ng intelligent decision kung saan lamang ito nararapat ipadala. Maaring ipadala ito sa specific port or destination port lamang or maari rin naman na sa lahat ng port.

Isa pang kagandahan sa mga switches ay bawat port nito ay isang collision domain lamang. Kung ang hub ay isang malaking collision domain at bawat devices na naka-connect dito ay member ng naturang collision domain, iba naman sa mga switches. Pagdating sa switch, bawat PORT or INTERFACE ay isa lamang collision domain.
Ibig sabihin, kung meron kang 48 ports na switch, 48 collision domain ang meron ito. Dahil dito, naalis na ang posibilidad ng magkaroon ng collision. Pero take note na ang isang switch ay isa namang malaking broadcast domain. Ibig sabihin, lahat ng ports nito ay member ng naturang broadcast domain.
Ang broadcast domain naman ay grupo ng mga devices na pwedeng maka-receive ng broadcast. Ang broadcast ay ang proseso ng pagpapadala ng switch ng frames or traffic sa lahat ng member ng broadcast domain nito or sa lahat ng kanyang ports to send/receive updates or information.

Minsan tinatawag din multi-port bridge ang isang switch. Ang mga switches din ay nag-ooperate ng duplex mode. Ibig sabihin, pwedeng sabay na mag-send at receive ang isang devices na connected dito.
Three main functions of a switch
- Address learning – kagaya nga ng nabanggit natin, ang switch ay kakayanan na matutunan or matandaan ang mga devices(mac-addresses) nan aka-connect sa kanyan mga ports. Inililista niya ito sa kanyang mac-address table at ginagamit na reference in future communications.
- Forward/Filtering decision – once natutunan or natandaan na ni switch ang mac-address or port location ng isang device, pwede niya itong magamit sa pag-forward or pag-filter ng traffic.
Nabanggit natin na ang default behaviour ni switch ay mag-send ng broadcast sa lahat ng kanyanag ports(maliban sa source) kung wala ang destination sa kanyang mac-address table. Pero ito ay naka-lista na or sabihin na natin na alam na ni switch, it will filter that port or that mac-address para siya na lang ang padalhan ng traffic.
- Loop avoidance – sa mga managed at enterprise networks, hindi pwedeng isang cable or isang path lang meron ang mga switches. In most cases, kelangan natin ng redundancy to avoid “failure”.
Ang problema, redundancy can cause loops sa ating network. Pero si switch ay may kakayanan na mag-detect ng mga possible loops at i-block ang mga ports na ng pwedng mag-cause ng loop sa ating network. Ito rin ang tinatawag na stp. We will talk about that in the coming lessons.
How switch works in networking?

Sa sample image natin sa itaas, ipinapakita ang basic function ng isang switch. Let me explain.
Let say si host A ay gustong maki-pagcommunicate kay host G, so mag-sesend ng request si host A and when the packet arrives at the switch, the switch look at the destination mac-address (which in case ay mac-address ni host G).
Isesearch ngayon ni switch sa kanyang mac-address table kung saan ang location (port) ni host G at ipapadala lamang nito ang frames or traffic sa destination port na iyon. Kung wala sa mac-address table ni switch ang mac-address ni host G, saka n’ya lamang ito ipapadala sa lahat ng ports(maliban sa source port or kung saan ito galing or port ni host A) at ito ang tinatawag na broadcast.
Ganito ang nangyayari kapag bago pa lamang mag-cocommunicate si host A papunta kay host G.
Host A: Kelangan kong maka-usap si host G, eto ang details n’ya. Ifo-forward n’ya ito ngayon sa port or interface papunta sa switch kung saan s’ya naka-connect.
(Since si switch ay layer 2 device sa ating OSI model or TCP/IP model, mac-address information ang ina-analyze at pina-process n’ya.)
Switch: Ok host A, base sa aking mac-address table, si host G ay nasa port or interface 16. Let me send your request to it (assuming na naka-pagcommunicate na si host G kay host A or sa ibang devices before).
Pero kung hindi pa, ganito ang nangyayari.
Switch: Host A, wala sa mac-address table ko si host G, let me ask all of my ports/interfaces except you (so mag-sesend si switch ngayon ng broadcast message sa lahat ng kanyang ports maliban sa port ni host A). Sabi ni switch sa kanyang mga ports, hey guys sino sa inyo ang may mac-address na ganito (AA:AA:AA just for example)?
Lahat ng ports ay makaka-receive nito pero tanging ang may mac-address lamang na (AA:AA:AA) ang sasagot which is host G.
Host G: Hey switch ako yan! Let me talk to host A.
Idadagdag ngayon ni switch sa kanyang mac-address table ang mac-address ni host G para sa susunod na may maki-pagcommunicate dito alam na n’ya kung saan ipapadala agad ang frames or traffic. And the process repeat para sa ibang mga ports at devices sa switch.
What is a mac-address table?
Ang mac-address table sa madaling salita ay ang listahan ni switch ng lahat ng mac-addresses na connected sa kanyang mga ports. Ginagamit ito ni switch sa pagdedesisyon kung saan nya ipapadala or ifoforward ang frames or traffic.
Bawat mac-address ng devices na nagsesend ng frames kay switch ay inililista or idinadagdag nya sa kanyang mac-address table kasama kung saang port siya connected. Sa paraang ito, natatandaan ni switch kung kanino galing at kanino ipapadala ang mga frames or packets.
The picture below shows a sample of mac-address table from our switch.

As you can see, ito ay listahan ng mga ports at mac-addresses ng mga devices na connected sa switch. Kasama rin sa mac-address table ang mga vlans kung saan naka-assign ang mga ports at mga “type” kung dynamic ba or static ang mga naturang mac-address.
Connecting to a Cisco switch
Kung magco-configure tayo ng new switch, we need to have a console cable(pwedeng usb type or DB-9 type na console cable) at terminal program (putty, securecrt, terraterm etc.) para magawa ito.

Pagkatapos natin ma-connect ang ating console cable sa ating switch at sa ating laptop, we just need to run our terminal program(Putty for example) and then set the following.

After this, ma-aaccess na natin ang ating switch at we will be on the CLI or command line interface ready to set a configuration. We will do the demo of this in our CCNA Masterclass. I hope you now have the “idea” of how it is physically being connected and configured.
By this far, you now understand how Cisco switch works and how we connect to it para ma-configure natin ito. On the next lesson, we will do some basic Cisco switch configuration para magkaroon ka ng idea sa basics.
Let’s go.
hi po pwede mag tanong, ano po ba ang Broadcast Domain? di ko po talaga siya maintindihan? tnx po
Hi, Lene, I’ll hold my answer. The next video will answer your question so kindly watch out. Thanks!
sir hindi ko po maintidihan yung VLAN. pwede po ba pakipaliwanag?