Welcome back guys. It’s been a while. I was not able to publish a new article last week due to a busy schedule. As mentioned here, I’m busy on my preparation for next Cisco exam and busy with work schedule too.
As promised, I’ll find time to share valuable things na makakatulong sa mga aspiring Pinoy CCNA and networking beginners.
[wp_ad_camp_3]
Today, I wanna share some valuable information na makakadag-dag sa inyong kaalaman. Let’s see and learn the basics of how BPO and Call centers handle their data network.
Some of you may already know this, lalo na sa mga may experience na at sa mga experts na, pero sa mga bago pa lang nagsisimula alam ko na makakatulong ito sa inyo. Para sa inyo ito mga kapatid. Let’s do this!
Isa sa pinaka-mahalagang aspect ng isang BPO or Call centers ang network. Lahat ng communication from a branch to different branches ay dumadaan sa network.
Pero pano nga ba ito gumagana? Pano nga ba ng ang isang branch ay kumokonek sa ibang branches at mga client nila? Pano nga ba ito mina-manage?
How ISP or Carrier connects to your branch or building
Ang ISP or carrier ang provider ng mga IP at network services. Ang business nila ay mag-provide ng connectivity sa mga clients nila(para mas simple). Gaya ng bahay ko at bahay mo, para magkaroon tayo ng internet kelangan natin mag-subscribe sa isang or alin mang ISP or carrier dito sa Pinas. So more likely PLDT at Globe lang yan. Wala namang iba eh(kung meron lang sana). Haha.
Ganun din ang mga BPO at Call centers. Naka-subscribe sila sa mga ISP or carriers. Pero take note na ibang type or uri ng connections at hindi gaya ng karaniwang nakikita natin sa ating mga bahay. Mas mabibilis(200MBps depende sa setup ng BPO or call center) at mas complicated ang type or uri ng connections. Usually mga DS3, lease line at iba pang related technology ang ginagamit.
So once nag-subscribe ang isang BPO or call center sa ISP, mag-sesetup si ISP ng connections/cabling papunta sa building or office ng naturang BPO or call center. Usually galing sa labas or kadalasan ngayon, meron nang existing linya ang mga ISP sa mga building.
From the basement of the building, magkakaron ngayon ng linya papunta sa MDF(Main Distribution Frame) ng naturang BPO or Call center. At sa naturang MDF, merong mga equipment si ISP gaya ng mga DTE, router or modem or iba pang terminal equipment nila.
Then from there, mag-coconnect ang router ni BPO or Call center para magkaron sila ngayon ng communication. In usual setup, yung CE(customer’s edge router) at PE(provider’s edge router) ang magka-connect from ISP to a BPO or Call centers.
Please take note na that’s the basic of how ISP connects to common BPO or Call center(atleast from what I see and what I know). In general at basics ang pinag-uusapan natin. Isa pa, that’s only a physical connection or how the ISP connects to the BPO or Call center physically.
Once na connected na sila physically, dun na papasok ang pag-mamanage natin ng network. So kelangan natin i-configure ang CE(customer’s edge router) natin para makapag-communicate kay PE ni ISP. Dito na rin pumapasok mga logical connections gaya ng mga routing protocols.
In most cases, ISP connects to the BPO or Call centers via BGP(border gateway protocol). Ang mga routes or network ng BPO or isang Call center ay lalabas sa kanilang edge router na “ka-peer” naman ng edge router ni ISP(PE).
How multi-branches BPO and Call centers connects

Gaya ng nabanggit ko sa taas, in most cases ganyan ang mga setup sa isang branch ng isang BPO or Call center. So from internal network, all routes or network advertisements ay lalabas sa edge router ni BPO(kung kelangan mong kumonek sa labas-other branch) at “maa-advertise” sa edge router ni ISP(usually via BGP). Learn BGP routing here.
And from ISP, sila na ang bahalang “mag-route” or gumawa ng paraan para makarating ang mga “advertise routes” sa iba pang branch ni BPO or call center. In most cases today, dumadaan ito sa tinatawag nilang “MPLS or multi protocol label switching” ni ISP. Sa isang simpleng paliwanag, “nilalagyan ng tag” ni ISP ang mga “advertise routes” ng isang BPO para alam kung kanino ito nanggaling at kung saan ang mga posibleng connections or “branches” ito pwede ipadala.
Usually, on BPO or Call center’s perspective hindi na natin ito nakikita or hindi na rin natin ito concern. Once na makapag-peer tayo kay ISP at ma-advertise natin ang mga routes na kailangan, si ISP na ang bahala.
Let’s give an example.
Let say si BPO ay merong 5 branches. Makati, Quezon City, Manila, Pasig at Laguna. Gaya ng na-explain ko sa taas, ang bawat branches or building or office ng bawat branches ay mag-susubscribe kay ISP. So from physical connections hanggang sa ma-setup rin ang logical connections.
Ang connections na mangyayari ay ang sumusunod:
Makati-ISP MPLS
Quezon City-ISP MPLS
Manila-ISP MPLS
Pasig-ISP MPLS
Laguna-ISP MPLS
From a Makati branch perspective, naka-peer ako sa ISP at naka-advertise ang mga “internal routes” ko kasama ang mga source at posibleng destinations(other branches). Ganun din sa perspective ng other branches.
So lahat ng branches ay connected na sa “MPLS cloud” ni ISP. Pag dating ngayon sa “MPLS cloud” ni ISP, “naka-tag” ang mga routes na ito kung kanino at para kanino. Syempre hindi lang naman isang BPO or Call center ang client ni ISP diba. So para alam nila kung saan ipapadala ang bawat routes. tina-tag nila ang mga “traffic” para nama-manage nila ito ng maayos.
Let say a user from Makati branch ay gustong mag-communicate or kumonek sa user from Quezon City branch, simple lang. Sakay lang s’ya SM Fairview na bus. Nyahaha (korni!).
So from switch kung saan connected si Makati user, since wala sa internal network ni Makati ang IP na hinahanap or gustong n’yang maka-connect, lalabas ito sa kanyang default gateway hanggang makarating sa edge router ni Makati branch.
Since naka-peer ang edge router ni Makati kay PE ni ISP at naka-advertise ang mga routes natin to and from other sites(via BGP), ipapadala ngayon ni ISP papunta kay Quezon City branch edge router ang request.
Sabihin natin naka-tag ito ng “from BPO-Makati to BPO-Quezon City” sa cloud naman ni ISP. Then from Quezon city branch edge router, papasok ito internally at mapupunta kung saan switch naka-connect ang user or device na gusto maka-connect ni Makati user. Remember how switch work guys? Kaya sabi ko sa inyo dati, mahalaga na maintindihan ang mga basics.
So from there, magkakaroon na ng connections si Makati-user at Quezon City-user. Ganun din sa ibang branches. Pati sa mga international branches. Naiiba lang ang ISP pero almost the same set-up in general.
How BPO and Call centers connect to the public internet
Please take note na mag-kaiba ang “MPLS cloud” at internet. Kung ang destination or gustong maka-connect ng isang branch(Makati branch) ay nasa internet, papasok din ito sa MPLS cloud ni ISP at ipapadala or lalabas sa branch kung saang site or branch merong connection papuntang “open internet”.
Dito ginagamit ang mga default route kadalasan. Let say ang internet connections ng BPO branches na sample natin ay nasa Quezon City lang, lahat ng request at communication papunta at galing sa internet ay sa Quezon City lamang papasok at lalabas. Using our public IP address. Check how IP addresses works here.

Then from there, ipapadala n’ya ito sa mga branches na nag-cocommunicate via MPLS cloud ulit ni ISP. Gets ba mga idol? Pa-simplehin pa natin, pag-labas ng route ng isang branch from customer edge(router ni branch) papuntang provider’s edge(router ni ISP) meron different ways.
Kung ang request is papuntang open internet, ipapadala ito ni ISP sa branch kung nasaan ang internet. Kung ang request naman is “to other branch”, ipapadala n’ya ito kung saang branch ito. Remember, tina-tag ni ISP ang mga routes at traffic “to and from” at alam nila ito kung saan ipapadala. I hope naging malinaw. 🙂
That’s it! Ang galing diba?
Sa haba ng na-explain ko, all those things are happening in MICRO or MILLI-SECONDS! What the!!!
Isipin n’yo yun! Pano nangyari un? Hindi ko na kayang iexplain. Haha. That’s the beauty of technology. That’s the beauty of networking.
I hope naging informative ang article na ito. Hanggang sa susunod mga idol. Salamats!
[wp_ad_camp_1]
Salamat ng marami idol!
Welcome and God bless!
Ayos! Ganda ng topic mo sir. Ngayon naiintindihan ko na. As a IT(not IT network) sa ofis nmin(BPO), alam ko na kung paano nangyayari. Hehe. Sir, baka meron din kayong basic topic about sa Data Center Infrastructure. I mean ano ung mga devices na magkakaconnect from Data Center to the PC’s, printers, TV’s. Etc. Thank you sir! God bless!
Thanks idol!
leased line, frame relay or ipvpn. kadalasan yan ang gamit sa mga big companies to connect their remote site to HO. sa HO, may tinatawag na backhaul or aggregate link using the usual copper wire or kung highspeed na at dapat reliable ay fiber optic na ang gamit.
Thanks lodi!
^remote sites.
Salamat LODI!!
Welcome idol!
thanks idol…
Salamat idol.. keep up the good work
Hello, so ang mga provider ng internet sa call centers ay either PLDT and globe only? I’ve heard na may isang BPO dito sa Baguio City na AT&T ang kanilang ISP pero hindi ko alam kung pano ito.