On this lesson, we’re going to talk about routing protocols. This will help you understand their fundamentals at makakatulong ito para malaman mo ang mga dapat gawin at kun papaano nangyayari ang mga bagay bagay when it comes to different routing protocols.
Let’s start.
Directly connected routes
Ang mga subnets or network na directly connected sa isang router interface ay automatically na-aadd sa routing table. Given na ang mga naturang interfaces ay meron naka-assign na IP address from that subnet or network at “naka-up up” ang status. Walang duda na ma-roroute ni router ang mga packets sa mga naturang subnets or network.
Let’s have an example.
Kagaya ng example natin nung nakaraang lesson, let say meron tayong 2 magkaibang networks na connected sa iisang router sa kanyang magka-ibang interfaces.

Sa ating example image, meron tayong two active interfaces sa ating Router B. Ito ay ang fa0/0 na connected sa network 192.168.1.0/30(ip address 192.168.1.1), ito yung papunta kay Router A. And then ang fa1/0 na connected sa network na 10.10.10.0/30(ip address 10.10.10.1) papunta naman kay Router C.
Kagaya nga ng nabanggit ko sa taas, kelangan lang na naka-up up ang mga interfaces na ito at meron silang kaukulang IP address from their respective network, automatic na magkikita na sila at madadagdag sa routing table ni router. Again, pwede natin icheck sa pamamagitan ng command na “show ip route“. Here’s what our routing table will look like for this example.

Ang letter “C” na sign ay nagsi-simbolo sa directly connected routes kagaya ng nakikita niyo sa ating sample. Sa sample na ito, magkikita at makakapag-communicate na si Router B papunta kay Router A. At ganun din sa Router C papunta kay Router B. Kumbaga ang directly connected network(C – connected) ay physically connected on the router’s interfaces.
Here’s another illustration para mas maintindihan mo pa.

We’re good?
Let’s move on to another types of route or routing protocol, ito yung tinatawag natin na static route.
Static routes
Ang static routes naman ay isa sa mga pinaka-simpleng paraan ng pag-aadd ng routes sa mga router or sa ating network. Ibig sabihin nito, tayo bilang mga network administrator or network engineer ang maglalagay ng mga static routes kada-router para ma-update ang routing.
As the name implies, ito ay static at manually nilalagay sa mga router na gusto nating maging part ng routing table. Ibig sabihin, kung gusto natin marating or maka-connect sa isang network destination, kailangan natin itong ilagay or i-add manually sa ating router.
Meron kasing mga dynamic routing protocols kung saan pwede nilang “dynamically” ma-learned ang mga path sa network kahit hindi natin ito manually nilalagay. We will talk about them in the coming lessons.
Sa pamamagitan ng static routes, male-learn ni router ang mga posibleng routes or path papunta sa isang network destination kahit hindi ito directly connected sa kanya. Let’s have a simple example(ito din yung kanina).

Sa ating simpleng example sa taas, meron tayong tatlong routers. Si Router A na directly connected kay Router B via network 192.168.1.0/30 and then si Router B ay directly connected din kay Router C natin sa network na 10.10.10.0/30.
Since ang subnet or network na 10.10.10.0/30 ay hindi direclty connected kay Router A, hindi alam ni router A kung papaano ipapadala ang packet papunta sa network na ito in case meron kelangan mag-connect.
Let’s do some scenario.

Our diagram shows na wala tayong connection from Router A to Router C. If I do a ping test from our Router A to Router C fa0/0(10.10.10.2) interface, it will not reply or connect kasi nga wala silang route sa isa’t isa.

As you can see in our ping test result, hindi tayo maka-connect from Router A to our Router C. Kasi nga wala naman silang connection sa isa’t isa. Hindi rin sila directly connected. Kung titingnan natin ang routing table ni Router B, makikita natin na siya lang ang directly connected sa dalawa natin na routers. Isa papunta kay Router A at isa papunta kay Router C. Pero si Router A at Router C wala silang communication.
Here’s our routing table again for Router B.

This time, pwede tayong mag-configure ng static route kay Router A para ma-reach niya ang network na 10.10.10.0/30 or ang ating Router C.
Let’s see it in action.
Let’s see first kung anong routes ang existing kay Router A, again we can use the command “show ip route”.

Nakikita natin ang routing table ni Router A at ang route lang na meron ito so far is yung directly connected route para sa network na 192.168.1.0/30 network(with Router B). Again ito ay directly connected sa kanyang interface na fa0/0.
Para marating ni Router A yung network sa kabila ni Router B, let’s use static routing. Sa pag-configure ng static routes, ang syntax na ginagamit ay ang sumusunod:

For example, ang destination ip or destination network natin is 172.16.1.0/24 at meron tayong next-hop ip address na 192.168.1.1. We can configure the static routes like this:

Ang word na “ip route” ay command para ipaalam kay router na gagamit tayo ng static routing and then yung destination network is yung network na gusto natin marating or ma-reach(172.16.1.0) kasama ang kanyang subnet mask(255.255.255.0). Tapos yung next hop ip address(192.168.1.1) or next hop interface ay kung saan mo ipapadala or papadaanin ang packets para marating ang naturang network destination.
Simple lang diba?
So sa ating example diagram kanina, we can configure static route sa ating Router A para marating niya or maka-connect siya kay Router C sa pamamagitan ni Router B.
Remember, sa static routing kailangan natin ng next-hop ip address or exit interface na padadaanan or papasahan ng packets natin para marating ang network destination. And another thing to take note na manually natin inilalagay or ikino-configure ang mga ito sa ating mga routers.

Let say for example na ang IP ni router B(sa side nila ni router A ay 192.168.0.1), siya ang gagamitin nating “next hop ip address” gaya ng nakikita niyo sa taas.
Let’s apply the static route on Router A.

Let me just explain briefly our configuration.
- ip route– sinasabi natin sa router na nag-coconfigure tayo ng static route sa kanya
- 10.10.10.0 – destination network
- 255.255.255.252 – subnet mask for the destination network
- 192.168.1.1 – next-hop ip address of Router A(interface ni Router B)
Nakikita mo sa example natin, nakapag-configure na tayo ng static routing kay Router A by using the command sytax above. So kung makikita natin, after natin mag-add ng static routes kay Router A, nadagdagan na ang routes sa kanyang routing table. Ang symbol na “S” ay nagre-represent para sa static routes.
Again ang command ay “show ip route”.

As you can see hindi pa rin tayo maka-ping kay Router C natin kahit meron na tayong static routes kay Router A.
Sa tingin mo, bakit?
It’s because we also need to configure static routing(or any other routing protocol) kay Router C natin papunta naman kay Router A.
Ganito kasi yan. Si Router A, alam na niya papunta kay Router C or sa network na 10.10.10.0/30. Dadaan siya kay Router B kagaya ng ginawa natin na static routes.
Nakakarating naman ang packets kay Router C, ang problema hindi niya alam kung paano babalik. Ang connection lang naman na meron siya is papunta kay Router B. Hindi niya alam ang papunta kay Router A.
Here’s our routing table of Router C.

As you can see, wala tayong routes papunta kay Router A. Ang tanging meron lang si Router C ay ang directly connected network niya kay Router B.
Kaya kahit makarating ang ping or packets ni Router A sa kanya, mada-drop lang ito kasi hindi nito alam kung papaano babalik. Ibig sabihin, kailangan din natin mag-configure ng static routes(for this example) kay Router C para maka-balik ang ping natin at magtuloy ang communication nila.

Let’s go ahead and configure static routing kay Router C para mabuo na ang connection natin.

I-check na rin natin ang routing table ni Router C.

Ok, so meron na tayong static routing kay Router A pati na rink ay Router C. Let’s go ahead and do a ping test again from Router A.

As you can see, successful na ang ping natin from Router A to Router C fa0/0 interface(10.10.10.2) kasi this time alam na rin ni Router C ang pabalik kay Router A. We can also try to ping from Router C to Router A and it will also give a successful ping test result.

Ngayon meron na tayong fully connected na network using static routing. Siyempre ito ay isang simpleng halimbawa lamang. Sa real world at malalaking networks, mas complex ang design at configuration pero the concept will be the same. Pwedeng maraming static routes ang naka-configure sa isang router or pwedeng multiple routing protocols.
Ang pinaka-drawback nitong static route ay manually natin kelangan i-configure ang mga routes para malaman ni router ang mga “paths” papunta sa isang network destination. Ok sana ito kung maliit at simple lang ang network, eh ang kaso paano pag malalaki at mga complicated setup na ang design diba?
Imagine if we have hundreds or thousands of routers in our network.
Saklap di ba?
Pero somehow, malaki pa rin ang tulong nito at hanggang ngayon ay marami pa ring gumagamit ng static routing. Mixed kadalasan ang design sa mga malalaki at mga kilalang company. Ibig sabihin, iba’t ibang routing protocol at standard ang ginagamit.
I hope by this time, meron na kayong basic understanding kung papaano gumagana at ang simpleng pag-configure ng static routes.
The next topics on this are floating static routes and default routes. They are the types of static routes na makakasalamuha mo din sa networking. Pero hindi ko na sila isasama dito. What we have covered above are more than enough para ma-gets at maintindihan mo ang fundamentals.
If you want to learn them, you can check the CCNA Fundamentals Ebook. They are included on the ebook with examples and discussion like this.
You can check the details of the CCNA Fundamentals Ebook here.
So we talked about directly connected and static routes on this lesson. Before we do directly sa mga karaniwang routing protocols, let’s talk about the dynamic routes first.
Dynamic routes
So ngayong alam na natin ang basic at foundation ng directly connected at static routes let’s move on naman sa tinatawag nating dynamic routes.
Sa dynamic routing, automatic na na-lelearn ng mga router ang mga posibleng routes papunta sa mga network destination. Hindi ito kagaya ng static routing na manually natin ikino-configure each router para “ituro” sa mga router kung saan at paano niya mare-reach ang isang network destination.
As the name implies, in dynamic routing, “dynamically” nagpo-propagate at nag-populate ang mga possible routes at naa-add sa routing table ni router(siyempre ang best path lang). Dito na rin papasok ang mga tinatawag natin na mga dynamic routing protocols.
Ang mga routing protocols ay ginagamit ng mga routers para mag-exchange or mag-palitan ng mga routing information.
Ibig sabihin, once na ma-configure natin ang isang router using a “dynamic routing protocol“, kusa na siyang mag-uupdate ng kanyang routing table base sa mga routing information na nakikita at ipinapadala sa kanya ng iba pang routers. Kadalasan ang tawag sa mga ito ay neighbor or peer.
Sa dynamic routing din ay automatic na humahanap ng ibang path(pinaka-mabilis na path) or way para ma-reach ang isang network destination kapag ang current path ay nag-down. Ibig sabihin, fault tolerant(or may redundancy). At gaya nga ng sinabi ko kanina, no need to manually configure each route sa bawat router dahil automatic na itong male-learn kung dynamic routing protocols ang gagamitin natin.
Ang mga routing protocols na idi-discuss natin ay ang mga sumusunod:
- RIP
- EIGRP
- OSPF
- BGP
Sa susunod na lesson, we’re going to talk about their fundamentals para mas makilala at mas matutunan natin ito. For now, this is enough para maintindihan mo kung ano ang mga fundamentals ng routing protocols.
Once na naintindihan natin ang concept, mas mabilis natin maiintindihan ang mga advance lessons at iba pang topic related dito.
On the next lesson, we’re going to talk about dynamic routing protocols kagaya ng rip, eigrp at ospf. Sila talaga ang karaniwang ginagamit sa mga modern at enterprise networks.
Are you ready?
Let’s go!
sir idol for example ang setup 3 routers , isa lang coconfigure ko ng routing protocols(i.e router ospf ) matic mapopopulate na po yun sa iba ? thanks po
YOu need to advertise the networks on those 3 routers you want to get connected with each other. THanks!
sir good day. question ko po what if 3 routers ang setup, di po ba kayang maconnect ng static route yung router 1 papunta sa network ng router 3?
Thanks!
If there’s a router or connection with router 1&router2 and also in router2&router3, it can. Thanks!
Maganda araw sir salamat at nakita ko tong website na to..malinaw at tagalog tanong ko lang po meron meron akong layer 3 switch paano ko mailalagay ang internet ni globe home router naka dynamic ip sya at paano magkakaroon ng internet yung pc ko??
may nabasa ako nat inside at outside pero naguguluhan parin ako .
maraming salamat sana po matulungan nyo ako